Sunday, August 16, 2009

Sino ang Dapat Sisihin?

Pagkatapos lumubog ang barkong "Princess of the Stars", nagsimula na naman ang turuan at batuhan ng sisi. Sinisi ang Sulpicio Lines, sinisi ang Coast Guard, sinisi ang PAGASA, Sinisi ang Port Officers, sinisi si Frank, at sa huli, Sinisi ang nawawalang kapitan ng barko dahil alam nilang hindi na ito makakapagbato pabalik ng sisi. Sisi ng sisi, sisi ng sisi, puro sila sisi... Kaawa-awa naman ang naiwang pamilya ng kapitan. Nawalan na nga ng mahal sa buhay, kailangan pa nilang magdusa sa kaalamang ang kanilang mahal sa buhay ang sinisisi sa pagkamatay nya at ng marami pang iba. Ngunit, sino nga ba ang dapat sisihin?
Kung ako ang tatanungin, hindi dapat magsimula at magtapos sa pagtuturuan at pagbatuhan ng sisi ang mga talakayan pagkatapos ng trahedya. Dapat ay magsimula ito sa pagaanalisa kung ano talaga ang bawat kisap ng mga kaganapan, at magtapos sa resolusyon at lunas para hindi na ulit ito mangyari. Hindi dapat napupunta ang sisi sa mga tao, kundi sa sistema. Hindi dapat pinapaubaya ang mga decision making sa mga maliliit na tao. Dapat ay magkaroon nang sistema na magbabawal sa paglaot nga mga barko kapag may bagyo. Hindi dapat nilalagay ang decision making sa kapitan o sa mga coast guards kung naaayon pa ang panahon para ang isang barko ay magpalaot o hindi. Kaya nga bumubuo ng sistema, para mabawasan ang human factor sa mga decision makings. Sa dinami dami na ng lumubog na barko, hindi man lamang ba sila matututo o gagawa ng hakbang bukod sa mangsisi para sa kapakanan ng mga susunod na mga lalakbay?
Pagkatapos ng isa o dalawang linggo, makakalimutan nanaman ang trahedyang ito. Hindi na muling maaalala hanggang sa magkaroon na naman ng panibagong trahedya. Masasayang lang ang pagkamatay ng daan-daang tao dahil wala pa ring hakbang sa pagbabago.
P.S.
Huwag basahin at bigkasin ng pabulol.

0 Comments:

Post a Comment

<< Home